sa ngalan ni hello kitty.

 

image from: McDonald’s Singapore | Facebook

may bagong pakulo ang mcdo singapore this month… at dahil mejo baliw ang mga tao dito sa hello kitty mabilis magkaubusan ng stocks. every week, magpapalit sila ng design na ibbenta. sa mga di aware: MAY BAYAD ito, ndi sya FREE sa happy meal or sa kung saan man. sinuwerte naman ako at nakakuha ako nung unang design nila last week. this week, naisip kong bumili ng maaga. so bago pumasok knina, dumaan nko sa mcdo para makakuha na. since ndi nman ako sanay tlaga magbreakfast sa totoong buhay, naisip kong baunin nlang at kainin for lunch ung binili kong meal. i got an egg mcmuffin na may hash brown at hot tea. alam ko nang ndi ko maiinom ung hot tea (dahil may infused water ek-ek ako for the day) kaya naisip kong ipamigay nalang to.

malapit sa ofc, may nadadaanan akong temple. from time to time may tumatambay na manong wheelchair sa tapat na nanghihingi ng tulong or pagkaen. NOTE: bawal pong mamalimos dito sa singapore. ung mga nkikitang mga disabled or matatanda sa kalye (na normally nagtitinda ng tissue) un na ung pinakalimos nila. may kapalit ang perang ibibigay mo sa kanila, kahit simple lang na bagay gaya ng tissue. at wag ka! may permit po ang mga to. ndi basta basta pwedeng pumwesto sa isang kanto at magdala ng tissue para mamalimos. so mabalik tyo kay manong wheelchair, malayo palang nakita ko na sya (may mga tissue nman sya sa tabe). nlagay ko sa bag ko ung mcmuffin at nready ko na ung hot tea (kinaen ko na ung hash brown habang naglalakad)… habang papalapit ako narinig ko pa syang tinatawag ung isang batang kakababa palang ng kotse, sinabihan nya ung bata na kailangan nya daw ng tulong. d nya ko napansin dumaan sa likod nya. tnawag ko sya at binigay ko ung chaa. nagthankyou sya sabay sabe ng: wala ka bang ibang pagkaen jan? (english nya sinabe shempers pero yan ang translation ko) umiling ako tas nagsasalita pden sya, ndi ko na naintindihan ung mga sumunod na sentences nya, pero im assuming na humihingi pa sya sakin ng kung ano. umalis nko.

hindi ko alam kung maiinis bko o magguilty na hindi ko binigay ung tinapay sa kanya. feeling ko kc parang kasalanan kong wala syang makaen e. imbes na i feel good dahil kahit papano, alam kong maiinitan ung sikmura nya parang ang dateng kulang pa un. yan isa sa mga dahilan kung bat wala akong amor sa mga taong namamalimos. maaga pa para mainis.

 

 

Tagged , ,

For the first time.

May post ung friend ko sa instagram na quote saying: when was the last time u did something for the first time?. And for some reason hindi ko un maalis sa utak ko. At dahil jan naoobsess ako sa thought na matuto magpenny board.

20130604-081045.jpg

Dito sa SG, nagattempt nko matuto ng ilang mga bagay. I tried rollerblading (again) and i failed miserably. Nag wakeboarding na din ako…failed pden. D naman yata tlga ako sporty. Kunware lang! Sabe ng ofcmate ko dapat mtry ko muna magsurf bago ako magattempt magpenny boarding… Ewan ko ba bat ngyon ko gusto gawen tong mga ganitong bagay…siguro kc ngyon wala magsasabe na “bakit gusto mo yan? Lalake ka ba?” And yes may hint of poot yan pagnaalala ko. Meh.

Naghahanap pko ng board. Pag ndi ko ngustuhan to pwedeng gaweng sasakyan ni Vader un. Nyhahahah!

Tagged ,

I love you sabado…

 

picture taken from JollibeeSG fb page.

sa mga ndi aware, nagbukas na po ang Jollibee dito sa SG kahapon. sa mga clueless, nsa 6F po sya ng Lucky Plaza (obvious choice). for the past few weeks mejo malakas ang hype na dadating na nga ang pinoy bubuyog dito. at shemps, madaming mga taga-dito na nagrereact. may mga bumabanat ng boycott… well kahit naman di nila tangkilikin to, marami pden naman ung mga nakamiss kumaen ng burger steak at spaghetti no! pakelam naman natin kung magustuhan nila o hinde… e hindi naman lumipad yang bubuyog na yan dito pra sa ibang lahi. nakakatuwa na kahit may mga pasok, talgang maraming pumila ng 2 hours (more or less) pra lang langhapin yang sarap na hindi mgegets ng ibang tao. sayang lang na hindi lahat ng nasa original menu meron, walang palabok at champ. pati peach mango pie wala. actually ok lang sakin kc hindi naman un ung gusto ko talaga! nyahahhah! solb nako sa jolly spaghetti na may pira-pirasong hotdog at ham.

Tagged ,

gusto ko ng bagong phone.

i got the idea from Yugatech’s Blog and since i have time to waste, eh nakigaya na rin ako. this can probably help me decide kung anong susunod kong phone. yeah right.

phnhistory

  • ericsson a1018 – my first (non-sms) phone. “for emergency” daw sabe ni dad. 3rd HS yata ako nito
  • nokia 2110 – sms was introduced na, pero this bulok phone can only store 3 txt messages. nyahah!
  • nokia 5110 – 4th yr HS to. di pa sya super gamit. i liked my pager more that time. pero nung pagtungtong ng college, naappreciate ko na sya. P250/bulb pa ang backlight nun!
  • nokia 3210 – i remember customizing mine w matte black casing, green backlight at may prang acetate na design pa sa screen. pwe.
  • nokia 8250 – panahon ng charlies angels to. pinakaproblematic na phone ever! sirain ang screen nito kaya nkakabuset. since lahat ng phones ko e hand-me-down, i decided to save up para ma-tradein ko tong lintek na’to.
  • nokia 5510 – katas ng trade in. kasagsagan ng mp3s nun at ito ung uso nung college. i loved this phone. if it wasnt for dad’s pangungutya ndi ko’to pinalitan.
  • nokia 3650 – dad’s pangungutya: “nagta-trabaho kna, bumili kna ng maayos na phone.” at pra mabuset sya, weird looking phone pden ung binili ko. basta colored na, ok na un.
  • nokia 6600 – nagstart nko sa kaadikan kong magpalit ng phn nito. wala naman problema ung luma, e since may bago… trade in ule.
  • nokia 6260 – a few hours after nabagsak ko ung 6600, i decided na i-trade in  agad habang hindi pa nagloloko. since pare-pareho lang naman ung mga features ng mga lintek na’to, yung weird looking nlang ule ang pinili kong model.
  • nokia 3250 – naglabas nnman si nokia ng mp3 phones! eto yata pinakamatagal kong phone. super tagal ko tong gnamit na kung hindi ko sya binato sa pader e hindi sya talaga masisira.
  • nokia 1202 – hindi pko mkadecide anong phone ang ipapalit dun sa binato ko kaya ito muna ginamit ko. in fairness, super simple and very reliable. lupit pa ng battery life! nyahahaha!
  • nokia e75 – georgina. yes, i named her. i got over symbian os nito so hindi sya super gamit. plus eto na ung time na uso na magkaron ng extrang phones.
  • samsung sgh-x510 – extra phone na’to for sun i think.
  • samsung b3310 – wala lang cute kc e. extra phone lang din. nkarating pa’to sa SG kso since mejo matanda na din… makunat na ung qwerty keypad.
  • iphone 4 (present) – this has a funny backstory. kay dad dapat to, for some reason nahirapan sya i-operate (ironic cos my dad’s an apple fanboy). ilang beses daw syang humingi sa globe ng manual. nyahahha! kaya… tada! my first iphone!
  • vodafone 858 smart – i needed an extra phn dito sa sg for a singtel sim. naisip kong mag (chipipay) android, pra lang din maexperience. i didnt like it.
  • blacberry curve 9220 (present) – i wanted to experience din magBBM. too bad i need a totally different plan for it. so meh. extra phone lang din, with whatsapp, twitter and fb na hindi nman nagagamit dahil prepaid ang sg sim ko. nyahahaha!

so there. im suppose to change my 2yr old iphone this year kc mejo mabagal na sya and makunat na din ung nagiisang button na meron sya. muntik nko mkabili ng cheaper-than-usual iphone5 kso nano sim pala un. e globe ung gagamitin ko. wala namang globe center dito sa SG. so sayang.

ow well. ntay ko nlang ung bagong iphone, hopefully maliit ulet. :p

Sino matakaw?!

kahapon nagmatakaw ako. at dahil dumayo kami sa Raffles City to buy JCO donuts, naisip ng magaling kong tyan na gusto nya ng burger. actually, ndi sya makadecide kung subway, mcdo blt (mcchicken w blt) or burger king. so ang nanalong choice ay:

shempre ndi natapos dun. kumaen padin ako ng donut for desert. ndi ko na nga nakain ung giant cupcake na pnabili ko e! so ngyon may nararamdaman akong pabugso-bugsong pagsakit ng chan. at ndi ako nakatakas sa kabag at pag-pudu (poop) …well sakin, normally after one toilet trip, ok na. pero since nag McArthur pa ule at may Xmas dinner kme sa office later, mukang kakailanganin ko na ng tulong. naghanap ako dito sa ofc nung parang diatabs nila. eeehhh shemper ndi naman ibibigay lang syo ng mundo lahat ng kelangan mo dba, so bumaba ako sa malapit na 711 to check kung meron sila.  eh shemps, wala rin. nagpaalam akong bibili muna ako ng gamot sa malapit na grocery:

officemate: “just see doctor across the road. use your card so you dont hafto pay lah!”

onga naman. may med card kme. sa PH, oa magpadoctor para lang sa LBM (unless isang linggo na un). pero dito… can lah! at free ung gamot (kc may med card)! so sabi ni doc, food poisoning daw. she gave me Probiotic Pills na sa feeling ko ay Yakult in a capsule, 4 capsules after lunch and 4 capsules again after dinner. at just in case, binigyan nya din ako ng isang banig ng Immodium-looking capsules.

gusto ko sanang sisihin ung BK, kso naalala kong bago matulog inubos ko ung natitira kong cowhead milk na nsa ref mula nung isang buwan pa. so malamang un ang salarin! nyahahaha!

OFFICE RULES.

may bagong intern kme dito sa office. since start up lang naman, wala kaming bonggang orientation. sinabe lang nila ang “rules” dito sa office. at isshare ko to ngyon.

1. “Warning”

ito ang dapat sabihin pag ikaw ay gusto mag-pudu. Ang pudu naman ay ang term namin sa poop, poo, jebs, ebs, tae, shit, crap or #2. Ewan kung bakit pero we find the pudu term funny. Nagsimula to nung pumunta kme sa Malaysia. Sa totoong buhay, ang pudu ay isang street (sa Malaysia) kung asan ang kulungan nila. Sabi nga ng officemate ko: “we take our pudu seriously” at ang proof: may fine na $2 pag hindi ka nag-warning at nagpoop ka. pwede rin naman ang post-warning, kunware nag-CR ka at ndi sadya na-pudu ka na rin… paglabas mo, magsabe ka lang din para if ever may magbbanyo, alam nya kung hihinga ba sya o hinde. Onga, prang nkakahiya na kelangan may announcement pag magbabanyo ka, pero mas nakakahiya nung minsan mag-ccr sana si Boss, walang nag-warning pero obvious sa amoy na may nag-pudu. Talagang pinaamin nya kung sino yung nag-cr at pinagbayad ng fine. Shemper, pinagtawanan namin ung asungot na hindi nag-warning.

2. “Keep your guns loaded”

ako nagpasimula nito e. at mula nung bumili ako ng sarili kong nerf, bumili na din si boss for the whole office! andaya! pero ok lang kahit pare-pareho lang yung standard issue nerf dito, basta limited edition ung sakin (whiteout maverick). minsan bigla ka nalang makakarinig ng kinakasang nerf, kaya pag ganun dapat handa ka. karamihan ng lamesa dito may nerf at madalas kang mkakakita ng nkakalat na bala. at shemper, kanya kanyang pulot! napaiyak na nga dati si boss kc tinamaan sya ng bala sa mata. nyahahahah! hindi naman sya nagalit, sabe nga nya: “how often do u get to shoot at your boss and not get into trouble for it?” …yes yes my boss is awesome! nyahahaha! and i have 2! (3 actually, pero ndi kme close nung isa)

3. “Pay the cat”

20121108-101237.jpg

dito napupunta lahat ng fines. sabe nga nila, lahat dito sa SG may bayad.  bukod sa pudu fine, meron ding NO SWEARING POLICY pag may bata sa office. minsan kc may mga kinukuha silang HS students to help out. prang requirement yata ng school to get experience. ang difference nun sa interns ay edad at ang alam ko may allowance na nkukuha ang intern. sa policy na’to, shit is a safe word…so far un lang. the rest are bad. pati pag papatugtog ng kanta ni Ceelo kailangan e ung clean version. hindi ko tuloy mapatugtog ung kanta ni Lily Allen. tsk! sa pusa din nagbabayad pag may nag-cheat sa 30day challenge, un ung pipili ka ng i-gigive up for 30 days (kunware no pork ng isang buwan. pagkumaen ka ng pork, bayad ka $5. mas mahal ang fine na’to para talagang ndi magcheat). addict din maglaro dito ng Monopoly Deal, pag si boss ang kalaro, may pot. $2 per person per game, na kadalasan dinodonate nlang lahat sa pesteng pusa. meron ding time na nagpustahan kme about an auction between apple iphone4s and samsung note 2. pero since isa lang ang pmusta sa apple at natalo sya (bago kc ung note2 nun), alangan namang paghatian ng mahigit 5 tao ang $2, so sa stupid cat napunta un. sa pagkakaalam ko, pag may pumalpak sa work (nagpost ng product na mali ung presyo or model, pangit ung picture ng product) may fine din. eto mejo malupit, one time as big as $40 ang nakuha nung cat dahil sa sablay.  pag naramdaman na ni boss na mabigat na or mejo feel nyang quota na ung alaga nya, bibilangin na namin ung laman, at ginagamit ito pang kaen ng buong office.

so yan ang mga major major rules dito. ganun tlaga pag ndi normal ang office. buti nalang dito ako napunta.

Tagged ,

Asan ang bend?!

Sumama ako sa dance-dance session ng isang grupo ng mga pinoy. Note: hindi ako sumayaw, tumanga lang ako at naglaro ng Pocket Planes.

Pra sa isang “concert” daw tong dance-dance na’to. May pagka-hiphop ung ginagawa nila pero ung kanta ay (im assuming lang) Christian music. Well ndi ko ndala ung battery pack ko kaya ndi ko maderecho ung nilalaro ko. D rin ako pde magreklamo kc ndi ko dinala ung Kindle (actually dko kc inexpect na 3 oras ang gagawen kong pagtanga, e kung alam ko lang pati psp dinala ko na). Anyway, habang nagppractice sila may matabang ate na nagmamando at sigaw ng sigaw ng:

asan ang bend???

ngumiti kayo!!!

hindi biro to! u are dancing for the lord!

Npailing nalang ako. Ewan ko ba ha, ako lang to malamang… siguro nga para kay papa god ung gnagawa nilang dance-dance… Pro di naman kc competition un e…Feeling ko lang may pag ka OA ung pagtalak nya knina. Besides mabuti kung nagsasayaw din sya nung mga oras na un e nka-salampak lang naman sya sa sahig habang pumuputak.

Habang ngbblog ako, i have 44% na battery at hanggang 10pm daw to… 8:48 pa lang… Iniisip ko nlang na mabuti rin na mkatikim ako ng fresh air dahil nakakulong lang naman ako usually sa kwarto pag weekends.

Nakakagutom ang fresh air pota.

Flashback nung grade3 ako: sumali sila dad nun sa isang born-again christian group… Ung mga prayer meeting noon (sa makati) ngsstart ng 8pm gang mga 11 yata. Sa cavite kme nakatira (pasado 12 na makakauwe), 9yrs old ako nun, at ginigising ako ng mga 4:30 am dhil sa makati pko ngaaral. Ndi ko nagustuhan ang experience na un. People called me “sis”… i felt old, 9 plang ako nun!!! Twas kinda awkward for also to make friends since anti-social ako tlga. Tas feeling ko since they got me my own bible, i was required to read the whole thing… Well i did, pero dko natapos. Magulat kayo dahil may alam ako sa old testament!

They had “worship concerts” then and i remembered one was held at DLSU sa taft. First time ko mkaapak sa La Salle nun… At first time ko lang din makakita at mkagamit ng Portalet (un ba tawag dun?! Basta ung portable na cr!) dun din ako natuto magshake ng bote ng coke pra patalsikin ung fizz! Un lang, wala akong naalalang mkabuluhan sa lahat ng un.

Isang araw, biglang di nalang kme umaattend ng anything related dun sa group…ansaya ko nun! Maaga nko nkakauwe…i think twas sumthing about the funds…ung mga tithes na binibigay ng members. Pagnaaalala ko un, gusto ko tanungin si momi ng “anyare?”

Meh. (39% battery, 21:20)

20120929-232038.jpg

sabe ng tatay ko: ilocano daw ako.

nkita ko ito sa isang forum kahapon, interesting sya: http://definitelyfilipino.com/blog/2012/03/07/ofw-ka-ba-please-lang-mag-ipon-ka/ it basically talks about a few tips kung pano ka mkakatipid or makakaipon habang nagttrabaho sa ibang bansa.

nung nagresign ako sa dati kong company, bago pumunta ng SG, isang advice na binigay ng boss ko: unahin ko daw bumili ng bahay kesa sa kotse. well nung una naman kasi, un talaga ang motivation ko para magabroad, ang makabili ng yellow Honda Jazz na papangalanan kong “Bubuy”… ang babaw no, pero hanggang ngayon, yun padin yata alam na dahilan ng nanay ko. Hindi lang sya aware na nagiba na ang gusto ko.

well unang salta ko dito… ndi ako agad nkaipon. shempers, may mga naiwan akong utang na kelangan bayaran. at oo, importante [at least sakin] na ma-clear ko un lahat, bago ako magkaron ng karapatan na magwaldas. may mga kilala akong wala pang mga ilang buwan dito ay kung ano ano na mga nabili. inuna pa na magkaron ng magagandang phone, laptop at kung anu-anong gadgets. oo mas mura ang Apple dito pero di mo naman kelangan bilin lahat yun…

madami ding mga stuff dito na gusto ko bilin, pero shemper naiisip ko din na baka biglang sumpungin ang gobyerno ng sg at pauwien ang lahat ng ofw. e ano naman mapagmamalaki ko pag nanyare un? alam ko din na if ever bumalik nko ng pinas, baka mahirapan nko makahanap ng trabaho, nkakahiya naman sa nanay ko na ndi ako kayang buhayin ng SGD ko. ndi ko naman snasabeng bawal gumastos, nkakabaliw kaya dito…pag di ka nagwaldas every now and then parang sobrang nkakaawa ka. tamang balance lang, kung ndi naman super kelangan, di naman kelangan bilin agad agad.

ansarap lang ng feeling na kung noon, ang isang lacoste na bagay ay aabutin ako ng ilang buwan para hulugan, ngayon kaya ko nang bilan ang nanay ko ng lacoste na relo o bag everytime na uuwe ako. siguro mababaw lang yun para sa ibang tao [lacoste LANG  yan], pero malaking bagay yun sakin. maswerte lang din ako na hindi ako inobliga ng tatay ko na “buhayin” sila or mga kapatid ko. kaya ansaya lang pag nabibilan ko sila ng mga bagay na alam kong dko mabibili kung ndi ako umalis ng ph.

sabe nga ng tatay ko mana ako sa lolo kong kuripot. well ok lang un kesa naman maging salot ako sa ibang tao… madaming ganyan…pero ibang issue un. nyahahah!

Where are u going starfish?

 …was it the Chad?

Sa mga d nkakaalam, antisocial ako talaga sa totoong buhay. I guess im not afraid to admit that i dont have a lot of friends. Well lalo na dito! And im sad that my oldest friend here is going home in a few days (after a 2yr stint). nakuha ko ang balita nung mismong hatchday ko, nkaka-tears kaya! kaso shemps kunware ok lang. pero ganun talaga e. may mga bagay naman na hindi natin mako-control, lalo na dito.

to starfishy: madameng tenchu sa pagsalubong mo sakin sa Merlion country, sa paghanap ng unang bahay ko at pagtulong maggrocery ng mga kailangan ko. sa pag sama sakin magdinner para mkakaen naman ako ng maayos. sa pagpasama sakin sa bahay ni papa God. sa pagturo pano magremit. sa pag pasyal sakin at pagpapa-try ng kung ano anong weird na pagkaen (custard pao daw na parang leche flan, lasang bibingka kaya! ANLAYO NUN NO!), sa pagtulong sa surprise panda, sa pagsama maghanap ng pesteng morinaga, sa pagkampi sakin manlait ng mga tao sa tabe-tabe. sa pagsundo at hatid at hintay sa 313, sa pagdala kay Sebastian, sa mga lubong, sa secret towels, kay omnom, sa pagalala nung sinumpong ako… madame pa’to pero baka hindi ako matapos kaya super tenchu talaga. kahit pa may favoritism ka at hindi mko dinala sa toy museum kahit ako ung isip bata… ok na un, pagbalik mo pasyal tayo dun ah!

dapat iwan mo nalang sakin ung mga brushes mo, para siguradong babalik ka. di ko na susunugin promise! wala naman akong lighter dito e! anyways, pumapayag nkong magyakimix ka, pero paguwi namin sa december magganun tayo ule. Thanks again starfish! ..i’ll see u soon.

No, the Chad was great!

Hatchday 2012

Sa mga ndi aware, nagbalik pinas ang itlog for a few days. Burday leave kuno. Feeling ko lang naman ok lang umuwi every six months, matagal na nga un e.

I got a kindle pala for my birthday, i feel so old reading instead of diablo-ing. Nyahahaha! In fairness nkakagana na ule magbasa. Thanks sa nagsabeng imi-meet nya daw ang friends nya pro kindle seller pala sa totoong buhay! Pano kaya kung sumama ako? Sira ang surprise!

So anong nanyare sa bakasyon ko? 2 araw akong kumaen ng sisig. Lechon naman nung sumunod na araw at walang kamatayang buttered shrimp at tempura sa dampa nung linggo. Namile or should i say “nagpabili” ako ng damit pra sguradong may kakasya sakin pagbalik ng SG. May uniqlo na pala sa MOA, mas mura sya as expected. Thanks sa sponsors, special mention kay Momi (kahit d nya naman to mababasa) for the longest time ngyon ko lang ule ngamit ang “Momi bili mo naman ako ng shorts” nyahahaha! At in fairness sa Tatay ko: “Dad, gusto ko nung chipipay blackberry” …”Osige tumingen ka dun tas tawagan mko” andaling kausap!

Kala ko by this time sanay nko na umalis ng pinas, pero nung nagrready nko at ngba-bye kay Vader boy (the dog) prang ambigat ule ng feeling. Hindi nnaman napigilan ng Nanay ko na maiyak, ako din tuloy na-tears ng konte.

It helps a lot knowing na somebody’s waiting for me in SG. At least paglapag ng plane dun excited naman ako.

Tagged , , ,